Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Isabela bunsod ng matinding pagbahang dulot ng bayong Ulysses.
Ayon kay Isabela Gov. Rodito Albano, aabot sa 26 na libong pamilya na ang apektado ng pagbaha.
Aniya, hindi nila inasahang magpapakawala ng tubig ang Magat dam na nasa bayan ng Ramon dahil sa ilang buwan itong halos masaid na ang laman dulot ng nakalipas na tagtuyot.
Kung susumahin aniya, aabot sa 3,491 metro kubiko ng tubig ang pinakawalan kada segundo sa Magat dam na katumbas ng halos isa’t kalahating olympic size na swimming pool.