Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Isabela matapos na umabot sa higit sa P700 milyong piso ang nasirang pananim na mais.
Ayon kay Governor Faustino Dy, kailangan ng tulong ng provincial government upang matulungan ang mga magsasakang makabangon sa hagupit ng El Niño.
Sinabi naman ni Isabela Provincial Agriculturist Danilo Tumamao, posibleng umabot pa sa P1 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa pananim.
Mula sa 34 na mga bayan, 23 na sa mga ito at dalawang syudad ang apektado na ng matinding tag-init.
By Rianne Briones