Inamin ni Isabelle Daza na siya ang may kasalanan kung bakit kumalat ang maling balitang nagpakasal na ang kanyang kaibigang si Solenn Heussaff.
Nilinaw ni Isabelle na hindi kasal ang naganap sa Argentina noong Disyembre.
Tradisyon, aniya, ng pamilya ng fiance ni Solenn sa Argentina na maghanda at magdaos ng pagtitipon para sa mga hindi makadadalo sa kasal.
Sinabi ni Isabelle na nagpost siya ng mga litrato sa Instagram na may caption na “Mister and Misis Bolzico” at “rustic wedding.”
Ngunit hindi, aniya, niya sukat akalaing tanggapin iyon nang literal ng publiko.
Samantala, kinuwento ni Isabelle na tumawa lang si Solenn bilang reaksyon niya sa kumalat na maling balitang kasal na siya.
By Avee Devierte
*Photo Credit: gma network