Viral ngayon sa social media ang isang bata na nagsauli ng wallet na may lamang P100K.
Kinilala ang tapat na bata na si Denard Uy-Uyon, 11 taong gulang at tubong Ifugao.
Si Denard ay pang-apat sa limang magkakapatid at pagsasaka ang ikinabubuhay ng kaniyang pamilya.
Sa tuwing libre ang oras ni Denard, sumasama umano siya sa kapitbahay na bumibiyahe ng pampasaherong jeep para tumulong sa pagbubuhat ng gamit ng mga pasahero.
Dito napulot ni Denard ang wallet sa upuan ng jeepney at agad na dinala sa kaniyang ina para tulungan siyang isauli sa mayari.
Natunton naman nila ang may-ari ng wallet dahil sa nilalaman nitong ID na may contact number.