Ang obra ng French artist na si Alexandre Lavet na ‘All The Good Times We Spent Together’ ay aksidenteng naitapon ng isang worker sa LAM Museum kung saan ito naka-display.
Kung paano ito nangyari, alamin.
Ang artwork ni Lavet na tila dalawang basyo ng canned beers ay nilikha noong 1988 at pinintahan gamit ang acrylics. Para kay Lavet, ito raw ay simbolo ng mga magagandang alala na ginawa kasama ang mga kaibigan.
Ayon sa spokesperson ng museum, naka-display ang beer cans sa loob ng glass elevator at tila naiwan lang ng mga construction workers. Kung bakit? Iyon ay dahil idinidisplay ng lam meuseum ang kanilang artworks sa kakaibang paraan at sa mga unusual spots.
Ngunit isang araw, napagkamalan ng isang elevator technician na basura ang 36-year-old artwork kung kaya’t itinapon niya ito.
Sinabi naman ng art director ng nasabing museum na ginawa lang ng technician ang kanyang trabaho, kung saan dito rin nalaman na epektibo ang tema ng obra ni Lavet.
Agad namang ipinahanap ang beer cans nang mapagtantong nawawala ito, kung saan nakita ito ng museum curator na si Elisah Van den Bergh sa basurahan na handa nang itapon.
Sinabi naman ng spokesperson ng lam museum na wala silang galit sa nagkamaling technician.
Ang beer cans ay naka-display sa entrance ng museum upang bigyan ng spotlight.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang pangyayaring ito?