Sugatan ang isang 60 anyos na Filipina nurse sa nangyaring pag-atake malapit sa Tripoli sa Libya.
Batay sa ipinalabas na bulletin ng Philippine Embassy sa Tripoli, nagtamo ng sugat sa balikat ang Pinay nurse matapos tamaan ng shrapnel mula sa artillery attack.
Nangyari ang insidente sa labas ng compound kung saan nakatira ang pinay nurse kasama ang ilang kapwa Filipino na nagtatrbaho rin sa ospital.
Ayon kay Philippine Embassy charge d’Affaires Elmer Gato, ito ang ikatlong Pilipinong nasaktan magmula nang sumiklab ang kaguluhan sa tripoli mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.
Kaugnay nito, muling inaabisuhan ng embahada ang lahat ng mga Filipino na lumikas o lumipat ng mga tirahan sakaling ang lugar na kanilang tinutuluyan ay nasa gitna ng labanan at palitan ng mga pag-atake.