Napagtagumpayan ng 74-year-old Filipino surgeon na nakabase sa New York City ang nakamamatay na sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa ulat, nagkaroon ng severe form ng COVID-19 si Dr. Manuel Bulauitan at kinailangan na mabigyan ng dalawang beses na ventilator.
Sinabi ni Bulauitan, na maging sya ay walang ideya kung saan nya nakuha ang virus, ngunit posible aniya na galing ito sa mga ospital o nursing homes na kanyang pinagtatrabahuan.
Pawang mga doktor din umano ang tatlong anak ng 74 taong gulang na surgeon, at kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Dr. Philippe Bulauitan at Dr. Manuel Bulauitan Jr.,na agad na nagtungo sa kanya makaraan nilang malaman na dinapuan sya ng virus.
Base sa report, dinala sya ng dalawa nyang anak sa hackensack Meridian Jersey Shore University Medical Center, kung saan nagtatrabaho ang kanyang panganay na anak na si Major Dr. Constantine Bulauitan, isang army reservist at trauma surgeon.
Mismong ang kanyang tatlong anak ang tumutok at gumamot sa kanya hanggang sa kanyang tuluyang paggaling mula sa COVID-19.