Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang opisyal ng AMLC o Anti-Money Laundering Council ang kalaguyo umano ni Senador Antonio Trillanes.
Ito’y ayon sa Pangulo ang siyang nagbigay umano ng mga umano’y bank records ng Pangulo na aniya’y iligal na nakuha mula sa nasabing ahensya.
Bagama’t hindi nilinaw ng Pangulo kung sinong Abad ang kaniyang tinutukoy na pinuno ng AMLC, magugunitang pinamunuan ito noon ni Julia Bacay Abad.
Batay sa pananaliksik ng DWIZ, iba ang Julia Bacay Abad na hepe ng AMLC sa Julia Abad na anak ni dating Budget Secretary Florencio Butch Abad na pinuno naman ng PMS o Presidential Management Staff noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Samantala, agad namang pumalag si Senador Antonio Trillanes sa panibagong pasabog na ito ng Pangulo.
—-