Dinisbar ng Korte Suprema ang isang abogado mula Cagayan Province dahil sa inilabas nitong pekeng court decision sa pagpapawalang-bisa ng kasal ng kanyang kliyente upang magamit sa passport renewal.
Napatunayang Guilty sa kasong Grave Misconduct at paglabag sa Lawyer’s Oath si Atty. Carlos Rivera matapos ireklamo ng kanyang kliyenteng si Flordeliza Madria.
Nag-ugat ang kaso ni Rivera makaraang mapag-alaman ni Madria na nahaharap ang abogado sa kasong paglabag sa Philippine Passport Act sa Tuguegarao City Regional Trial Court matapos mag-renew siya ng pasaporte.
Kinasuhan si Madria ng kanyang asawa sa naturang korte dahil sa iprinesentang pekeng marriage annulment kung saan inginuso ng kliyente si Rivera na pinagmulan ng mga nasabing dokumento.
Nilinaw naman ng abogado na nagawa lamang ang naturang reklamo dahil na rin umano sa walang tigil na pangungulit ng kanyang kliyente na ilabas na ang marriage annulment nito.
By: Drew Nacino / Bert Mozo