Pinasibak ng Manila Traffic and Parking Bureau ang ilang miyembro ng isa sa kanilang accredited towing company.
Ito’y makaraang mag-viral sa social media ang paraan ng kanilang paghatak sa isang kotseng naka-handbreak sa Piy Margal Street, Sampaloc, Maynila.
Tatlong lalaki mula sa R.W.M. Towing Company ang pumuwesto sa likod ng isang Mitsubishi Mirage na kulay gray upang itulak ito pababa at maka-usad dahilan para tumunog ang tambutso na tumama sa semento.
Bukod sa pagsibak sa tatlong tauhan ng R.W.M., pinagbawalan na rin ang kumpanya na mag-tow para sa M.T.P.B.
Samantala, maaari ring magsampa ng kaso sa M.T.P.B. ang may-ari ng hinatak na sasakyan laban sa towing company.
Posted by: Robert Eugenio