Inabsuwelto sa kasong panggagahasa ng Korte Suprema ang isang akusado dahil sa kawalan ng sapat na katibayan.
Sa desisyon ng 2nd Division ng Supreme Court (SC), pinagbigyan nito ang apela ni Juan Richard Tionloc at pinawalang bisa ang pasya ng Manila RTC Branch 37 at ng Court of Appeals o CA na nagpapataw ng guilty sa kasong rape.
Iniutos naman ng SC sa Bureau of Corrections (BuCor) ang agarang pagpapalaya kay Tionloc maliban na lamang kung may sentensya pa itong dapat bunuin kaya’t hindi ito mapalaya.
Binigyan ng limang (5) araw ang BuCor upang i-report ang aksyong ginawa nila sa kautusan ng high court.
September 29, 2008 nang maganap ang panghahalay ni Tionloc sa biktima matapos ang kanilang inuman sa bahay ng akusado.
Gayunman, inihayag ng SC na nabigo ang prosekusyon na maglabas ng matibay na ebidensya na magpapatunay na pinagsamantalahan ang biktima ni Tionloc.
By Drew Nacino |With Report from Bert Mozo