Umakyat na sa 283 indibiduwal ang iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG).
Ito’y matapos masangkot ang nabanggit na bilang sa iba’t ibang anomalyang may kinalaman sa pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay CIDG Deputy Chief for Administration P/B.Gen. Rhoderick Armamento, mula sa nasabing bilang, 283 rito ang mga halal na opisyal ng gobyerno.
Isang mayor aniya mula sa Region 8 o Eastern Visayas matapos hindi ipamahagi ang P300,000 SAP sa isang barangay chairman sa kaniyang nasasakupan.
Sa ngayon, mayruong 136 na mga barangay chairman, apat na konsehal ng barangay at anim na sangguniang kabataan (SK) chairmen ang iniimbesrtigahan na rin ng CIDG.
Bukod pa ito sa 445 iba pang mga opisyal ng barangay tulad ng kalihim, ingat yaman o treasurer, purok leaders, at iba pa dahil sa kanilang pakikiisa sa anomalya.
Pinakamaraming inirereklamong opisyal ng barangay sa Region 12 na may 50 kaso, sinundan naman ito ng Region 7 na may 26 na kaso gayundin ang Regions 11 at 8.