Nag-alok ng cash reward si Mayor Sylvia Austria sa makakapagturo sa suspek na pumatay kay barangay chairman Zoilo “Anlo” de Belen ng brgy. Lambakin sa Jaen, Nueva Ecija.
Aabot sa ₱150,000 ang pabuyang inalok ng lokal na pamahalaan ng Jaen sa makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa mga salarin sa krimen.
Ito ay para mapabilis ang pagresolba sa kaso upang mabigyan ng hustisya ang pagkakapaslang kay de Belen.
Matatandaang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang suspek si de Belen habang ito ay nagdidilig ng halaman malapit sa kanyang bahay nito lamang Nobyembre a-5.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril. —sa panulat ni Angelica Doctolero