Isang tatay sa China na labis ang pagka-hands-on sa pag-aaral ng anak ang inatake sa puso dahil sa stress sa pagtuturo rito.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa probinsya ng Zhejiang sa China, inatake sa puso ang 40-year-old dad na kinilala sa last name nito na “Zhang” habang minomonitor ang anak na gumagawa ng homework nito sa Math.
Ayon sa local media, habang muling tinuturuan ni Zhang ang kaniyang anak na lalaki na siya palang nagsasanay para sa entrance exams ay nagkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa Math assignment nito.
Mayamaya lamang ay biglaang nakaramdam ng panininikip ng dibdib si Zhang dahilan upang mahirapan itong huminga habang tinuturuan ang kaniyang anak.
Sa kabutihang palad ay agad naisugod si Zhang sa ospital kung saan siya ay na-diagnose ng Acute Myocardial Infraction. Nailigtas din naman agad ito sa panganib matapos sumailalim sa emergency artery bypass surgery.
Napag-alaman na si Zhang ay isang hands-on dad na laging nakamonitor sa academic activities ng kaniyang anak katulad ng iba pang mga magulang sa China, kung kaya naman napabilang siya sa bilang ng mga Chinese parents na naospital dahil sa stress na nakuha mula sa pagtutok sa kanilang mga anak.
Samantala, napag-alaman na kaya tinutukan ng husto ni Zhang ang kaniyang anak sa Math assignment nito dahil paghahanda ito sa National College Entrance Exam o ang Gaokao na tinuturing nilang malaking hakbang upang magtagumpay sa buhay ang kailang mga anak.
Ikaw, ganito rin ba kahigpit ang paghahanda mo para sa exams?