Hinimok ng isang babaeng American national na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat na maging kalmado sa gitna ng outbreak ng nabanggit na sakit.
Sa video message ni Elizabeth Schneider, kanyang pinayuhan ang lahat na huwag mag-panic bagama’t dapat alalahanin ang mga high risk tulad ng mga nakatatanda.
Ayon kay Schneider, ibinabahagi niya ang kuwento ng kanyang pagkakasakit para mabigyan ng pag-asa ang lahat ng mga tao sa buong mundo.
Aniya, kinakailangang maging alerto ng lahat, magpasuri, manatili sa loob ng tahanan at i-isolate ang mga sarili kung nakararanas na ng mga sintomas.
Dagdag ni Schneider, dapat ding magkaroon ng konsiderasyon sa iba lalu na sa mga nakatatanda at may mga dinaranas nang sakit.
Si Schneider ay nakatira sa Seattle, ang pinakamalking siyudad sa washington state na may pinakamataas na bilang ng pagkasawi dahil sa COVID-19 sa Estados Unidos.