Sumalpok ang isang Amtrak train na may sakay na 203 na pasahero, sa isang tractor truck, sa bahagi ng Wilmington, Illinois.
Ayon kay Craig Schulz, tagapagsalita ng Amtrak, ang Texas Eagle o train number 22 ay mula sa San Antonio at patungo sa Chicago.
Wala naman napaulat na nasaktan sa aksidente, at patuloy pang inaalam ang posibleng sanhi ng aksidente.
By Katrina Valle