Inilunsad ng Securities and Exchange Commission o SEC ang bagong feature sa kanilang online company registration system na magpapahintulot sa domestic corporations na makumpleto ang registration process sa loob lamang ng isang araw.
Sa pamamagitan ng one-day submission and express registration of companies o Onesec feature ng electronic simplified processing of application for registration of company, ay mas mapapabilis na ang pagsisimula ng negosyo.
Ang Onesec ay tatanggap ng aplikasyon para sa registration ng domestic stock corporations na 100% pag-aari ng mga Pinoy at ang common shares ay may par value na hindi bababa sa piso.
Ayon kay Sec. Chairperson Emilio Aquino, makakatulong ang bagong feature upang madaling makakasunod ang mga bagong negosyo sa registration requirements ng komisyon.
Matitiyak rin aniya nito ang pagpapatuloy ng business sector sa gitna ng COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico