Isang Argentine Boxer ang nasawi dahil sa Brain Injury at atake sa puso matapos ng kanyang laban sa San Nicolas Argentina.
Kinilala ang nasawing boksingero na si Hugo Santillan na nawalan ng malay sa 10th round ng kanyang laban kontra kay Eduardo Abreu ng Uruguay.
Sumailalim pa sa operasyon si Santillan para maalis ang pressure sa kanyang utak bunsod ng natamong Trauma sa ulo.
Magugunitang, 2 araw bago nasawi si Santillan, isa ring boksingero mula Russia na kinilalang si Maxim Dadashev ang namatay rin dahil sa Brain Injury matapos ng naging laban nito sa Maryland USA.