Kailanman ay hindi aaprubahan ng Simbahang Katoliko ang diborsiyo.
Ito ang pahayag ni Argentine Missionary Fr. Luciano Felloni matapos baguhin ni Pope Francis ang sistema ng annulment na inaasahang magpapadali sa proseso ng paghihiwalay o annulment.
Aniya, hindi ito nangangahulugan na pabor na ang Simbahang Katoliko sa diborsiyo.
Ayon kay Felloni, ang ginawang pagpapaluwag ng Santo Papa sa mga alintuntunin ng simbahan ay upang magbalik-loob sa Diyos ang tao at makapag-komunyon muli.
Paliwanag pa ng pari, ang komunyon ay gamot sa mga makasalanan at hindi premyo sa mga banal.
“Hindi po ito isang premyo na ibinibigay mo sa mga taong walang mantsa walang kasalanan, dahil sa sobrang banal ang premyo mo ay mag-komunyon ka, hindi ganun, ito ay gamot sa mga makasalanan, yung pagkokomunyon ay tulong sa ating pagsusumikap na maging mabuting tao.” Pahayag ni Felloni.
By Jelbert Perdez | Sapol ni Jarius Bondoc
Photo Credit: canadianinquirer.net