Inatake ng hindi bababa sa 20 kalalakihan ang isang army detachment sa Lumbatan, Lanao del Sur.
Ayon kay Task Force Lanao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, tumagal ng dalawang oras ang bakbakan ng mga armadong kalalakihan at mga CAFGU.
Tinukoy ni Brawner na posibleng mga kaanak ng nasawing miyembro ng Maute at ISIS sa Marawi ang umatake sa detachment.
Kaugnay nito, inilunsad na ang retaliation operation laban sa naturang grupo.
By Rianne Briones