Nasungkit ng isang atleta mula sa Baguio City ang kampiyonato para sa 113 Rockstar Triathlon na ginawa sa San Fernando City sa La Union.
Kinilala ang nasabing kampiyon na si Jess Ramos, 35-anyos kung saan, natapos nito ang karera sa loob lamang ng apat na oras at apatnapu’t siyam na minuto.
Partikular na binaybay ni Ramos ang dalawang kilometrong paglangoy, siyamnapung kilometrong pagbibisekleta at dalawampu’t isang kilometrong pagtakbo na nagsimula kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Si Ramos pa lamang ang nakatapos ng triathlon habang hinihintay pa ang mahigit sa 160 iba pang mga kalahok kabilang na ang asawa nitong si Luanne.
—-