Kung magkakaroon ng pelikula ang buhay ng babaeng ito mula sa Barranquilla, Colombia, posibleng maging titulo nito ay “Lina and the Seven Old Men”.
Mayroon kasing pitong karelasyon si Lina at lahat sila, mga lolo na!
Matapos makaranas ng ilang nakadidismayang romantic relationships sa mga lalaking kaedad niya, na-realize ni Lina na makukuha niya lamang ang hinahangad na emotional at financial stability kung mga pensiyonado na ang makakarelasyon niya.
Napansin niya kasi kung paano siya landiin ng kanyang matandang kapitbahay, kahit may asawa na ito.
Naisip niyang mas desirable siya sa mga senior citizen dahil gagawin umano nila ang lahat upang magkaroon ng relasyon sa mas nakababatang babae.
Kaya naman sinimulan niyang pumunta sa mga parke at iba pang mga lugar kung saan tumatambay ang mga lolo.
Hindi nakuntento si Lina sa isang nobyo, kaya naghanap pa siya ng makakarelasyong matanda—hanggang sa umabot sila sa pito. At lahat sila, tinutustusan ang dalaga!
Kilala ng mga lolo ang isa’t isa. Sa katunayan, pinag-aagawan pa nila ang atensyon at pagmamahal ni Lina.
Ngunit para kay Lina, itinuturing niyang negosyo at hindi romantic relationship ang kanilang polyamorous arrangement. Aniya, kung sino ang magbibigay ng mas maraming pera, siya ang magiging katabi nito sa pagtulog.
Marami naman ang hindi natuwa sa ginagawa ng dalaga at naniniwalang dapat siyang makulong dahil sa pananamantala sa mga matatanda.
Gayunman, may ilan ding humanga sa resourcefulness at “katalinuhan” umano ni Lina dahil nakaisip siya ng madaling paraan upang makaahon mula sa kahirapan.