Inaresto ng mga otoridad ang isang babaeng pinaniniwalang mataas na lider ng NPA New People’s Army sa Cotabato.
Kinilala ng mga tauhan ng Kidapawan City Police at 72nd infantry battalion ng Philippine Army ang suspek na si Mindaley Stentes-Genotiva.
Si Genotiva alias “Kumander Karla” ay inaresto sa Spottswood Methodist Center sa kahabaan ng Kidapawan City sa bisa na rin ng warrant na inisyu ni RTC Branch 61 Judge Henelinda Molina-Diaz dahil sa mga kasong frustrated murder, attempted murder at murder.