Isang kawatan ang sinubukang umeskapo at nagpalit pa ng damit ngunit nahuli rin naman ng isang… pulis na off-duty.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang video, makikita ang isang babae na bumaba ng isang jeep at mayroong hinahabol na lalaki.
Ayon sa witness na si Police Staff Sergeant Pynhart Parreño na off-duty na at sakay na ng kaniyang motor nang makita ang insidente, nagtaka siya kung bakit hinahabol ng babae ang naturang lalaki, kung saan nang malaman niya raw na tangay nito ang cellphone ng babae, ay agad siyang kumilos at na hinabol ang tumatakas na snatcher para mabawi ang cellphone.
Naging matagumpay naman ang buwis buhay na paghabol ng pulis sa kawatan dahil namataan niya ito sa overpass na kaswal na naglalakad at tila walang ginawang krimen.
Napagdesisyunan ni Parreño na bumaba sa kaniyang motor at umakyat sa overpass at doon na nakorner ang lalaki kahit pa mabilis itong nagpalit ng puting sando mula sa suot nitong itim na t-shirt para hindi mahuli.
Noong una ay itinanggi pa ng suspek ang pagnanakaw at sinabing namamalimos lamang siya, ngunit nang ma-diskubre na na-huli cam ang ginawa niyang krimen ay kusa itong sumama sa pulis at itinuro kung saan itinago ang ninakaw na cellphone at ibinilik sa may-ari.
Si Pssg. Pynhart Parreño ay isa palang miyembro ng Tactical Motorcycle Riding unit na rumuronda sa mga kalsada upang mabilis na makaresponde sa mga krimen na maaaring mangyari.
Ikaw, anong masasabi mo sa ginawang gimmick ng suspek na ito?