Pinaglalaanan ng oras ng mga babae ang pagpapaganda sa tuwing sila ay makikipagdate, ngunit ang isang babae sa Auburn, Alabama, USA, nasayang ang effort dahil sa date niya na hindi man lang inabot ng isang minuto.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang video na ipinost ng 32 years old na si Maggie Smith, ikinuwento niya ang itinuturing niyang “shortest date ever” sa lalaking nakilala niya sa isang dating app nang mag-decide sila na magkita sa isang restaurant.
Nagtagpo ang dalawa sa labas ng kainan at binati pa raw si Maggie ng lalaki ng isang yakap at tinanong kung siya ay nagugutom na ba.
Hindi pa nagtatagal sa loob ng restaurant ay biglang nagyaya ang lalaki na lumabas para makapag-usap silang dalawa.
Pagkatapos noon, bigla na lamang humingi ng sorry ang lalaki at sinabing “I’m not feeling it” bago ito umalis.
Matapos nito ay walang nagawa si Maggie kundi ang bumalik sa kaniyang sasakyan at umuwi na lang.
Para sa babae, 45 seconds lang ang tinagal ng nasabing date na inakala niyang magiging maganda ang takbo kaya nag-effort pa siya na mag-ayos para rito.
Ang duda ni Maggie, ang kaniyang pagiging malusog ang dahil kung bakit nag-backout ang lalaki.
Bilang resulta ng pangyayari, napagtanto raw ni Maggie na nagbago na ang panahon ngayon at mas mabilis nang manghusga ang mga tao.
Marami naman sa comment section ng video ang nagpaabot ng simpatya para sa babae, ngunit mayroon ding pinagbintangan siya ng catfishing o iba ang ipinakitang hitsura sa lalaki sa personal niyang hitsura o sa madaling salita, pagnanakaw ng identity ng ibang tao, na agad namang pinabulaanan ni maggie sa pamamagitan ng pag-upload ng kaniyang dating profile.
Samantala, binura na raw ni Maggie ang dating apps sa kaniyang cellphone dahil hindi ito nakabubuti sa kaniyang mental health. Willing pa rin naman daw siyang makipag-date ngunit mas prefer niya raw na makilala ito sa personal at hindi na sa pamamagitan ng online.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang mapunta sa ganiyang posisyon?