Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang babaeng undersecretary na umano’y iginiit ang importasyon ng bigas sa kabila ng desisyon ng pamunuan ng National Food Administration o NFA na huwag mag-angkat ng bigas.
Sa kanyang talumpati sa isang aktibidad sa Talavera, Nueva Ecija, sinabi ng Pangulo na nadismaya siya sa naging aksyon ni Attorney Maia Chiara Halmen Reina Valdez.
Gayunpaman, hindi natuloy ang kagustuhan ni Valdez dahil hinarang ito ng Presidente.
Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niyang maging kakumpitensiya ito ng produkto ng mga lokal na magsasaka.
Pangulong Duterte nagbantang 2 pang Undersecretary ang sisibakin niya
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa pang Undersecretary ang sisibakin niya.
Ayon sa Pangulo, aabot sa lima (5) ang sisibakin niya bago matapos ang linggong ito.
Binigyang-diin ng Presidente na seryoso siyang linisin ang gobyerno laban sa mga opisyal at kawani na sangkot sa katiwalian.
By Avee Devierte |With Report from Aileen Taliping