Nagpatupad ng provisional service sa biyahe ng Metro Rail Transit o MRT kaninang alas-9:00 umaga.
Kasunod ito ng aberya o train failure sa biyahe ng MRT kayat limitado lamang ang operasyon nito na mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations at pabalik.
Nabatid na kumalas ang bagon ng MRT habang tumatakbo ito kaya’t itinigil muna ang operasyon.
Makalipas ang 30 minuto nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT.
Bagamat sandali lamang ang aberya, naipon ang mga pasahero sa Taft Avenue station at iba pang istasyon na naapektuhan ng provisional service.
Bagon ng MRT-3, kumalas sa tren habang tumatakbo sa pagitan ng Buendia at Ayala Stn kaninang pasado alas-9 @dwiz882 : Ivan Caballero Villegas pic.twitter.com/OnQYo3VuCr
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 16, 2017
Mga pasahero napilitang bumaba at maglakad sa riles matapos kumalas sa tren ang sinasakyan nilang bagon : Ivan Caballero Villegas pic.twitter.com/DgO7asYm1t
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 16, 2017
(Ulat ni Jonathan Andal)