Nagbukas pa ng isang section o bahagi ang Philippine General Hospital (PGH) para sa mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay matapos na mapuno at sumobra na ang bilang ng mga COVID-19 patients na naka-admit sa pgh kumpara sa bilang ng mga inilaan nilang kama para sa nabanggit na kaso.
Ayon kay Dr. JonasDel Rosario, tigapagsalita ng pgh, mayroon na silang 137 COVID-19 sa kasalukuyan.
Sobra aniya ito ng pito sa 130 bed capacity nila para sa COVID-19 case.
Maliban dito, binabalak na rin ng pamunuan ng pgh ang ilipat sa mga quarantine facilities ng pamahalaan o mga community centers ang mga naka-admit sa kanilang COVID-19 patients na malapit nang gumaling.
Ito ay upang magawa na rin nilang tumanggap ng mga bagong kaso.