Nasunog ang isang bahagi ng Trinoma Mall sa Quezon City, kahapon.
Dakong Alas 2:25PM nang sumiklab ang apoy sa isa umanong appliance warehouse sa Landmark Department store malapit sa MRT North Avenue Station.
Na-trapp naman isang aircon technician na kinilalang si Anthony Lomina sa loob ng barracks ng Trinoma at kalauna’y nailigtas.
Dakong ala 6:30 kagabi nang maapula ng Quezon City Fire Department ang sunog na nagdulot naman ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Tinaya sa tatlong Milyong Piso ang halaga ng mga napinsala o naabong ari-arian habang inaalam na ng QCFD ang sanhi ng pagkalat ng apoy.
Samantala, hindi naman naapektuhan ang operasyon ng Metro Rail Transit line 3.
By: Drew Nacino / Katrina Valle