Tinatayang anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6-M ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang bahay na nagsisilbing drug den sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.
Anim katao naman ang arestado na kinilalang sina Mcniel Abines, kapatid na si Tristan na kapwa may-ari ng bahay; Ivan Soreta, Meland Cabase, Bobby Pequit at Ben Araojo.
Ayon sa PDEA, isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng warrant of arrest ni Executive Judge Pablo Fomaran ng Regional Trial Court ng Naga City.
Isang buwang isinailalim sa surveillance bago isinagawa ang pagsalakay sa Barangay Del Rosario.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malaking halaga ng iligal na droga na nasabat ng PDEA sa Camarines Sur.
By Drew Nacino