Sa tuwing sasapit ang pasko, pinag-iisipang mabuti ng mga tao kung ano ang magiging motif o theme ng kanilang Christmas tree at iba pang decorations sa bawat taon.
Pero ang bahay ng pamilya Jeromin sa Germany, nag-ala Christmas village dahil sa samu’t-sari at pambihirang bilang ng decorations sa loob nito!
Kung ilan ang kanilang Christmas decors, alamin.
Isang pamilya sa Germany ang mayroong kakaibang Christmas decoration display dahil ang bahay nila ay hindi katulad ng tipikal na bahay na makikita tuwing pasko, dahil ang pamilya Jeromin, mayroon lang namang 605 Christmas trees na naka-display sa loob ng kanilang bahay!
Sa isang video, makikita na mula sa pintuan ng bahay ay kapansin-pansin na ang sunud-sunod na nakahilerang mga Christmas tree na mayroong iba’t ibang motif.
Samu’t-sari ang mga kulay na makikita sa bawat sulok ng bahay at tila isa nang discohan dahil sa makulay na christmas lights na nagkikislapan.
Sa dami ng christmas tree sa loob ng kanilang bahay, umabot sa 120,000 ang ornaments na ginamit upang ma-dekorasyunan ang mga ito.
Bukod pa riyan, 50,000 ang inabot ng bilang ng Christmas ligths na nakapalibot sa mga puno, at libo-libo naman ang mga figurines na nakasabit.
Dahil dito, hawak ng pamilya Jeromin ang world record na “Most Decorated Trees in One Place” simula 2017 hanggang 2021 pati na rin noong 2023.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang kwento na ito?