Nasunog ang ikalawang palapag ng isang bahay sa bahagi ng Maharlika Village sa Taguig City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Taguig, ang nasunog na bahay ay pag-aari ni Hadja Normain tulawi kung saan, itinaas ang unang alarma bago ideklarang fire under control.
Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog pero aabot sa tinatayang P90,000 ang halaga ng naabong ari-arian. —sa panulat ni Angelica Doctolero