Papasok na sa final trial ang bakuna kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng Moderna, isang biotech firm sa Estados Unidos.
Itnakda ng Moderna sa July 27 ang phase 3 ng human trial na lalahukan ng 30,000 participants.
Kalahati ng participants ang bibigyan ng 100 microgram ng bakuna samantalang ang kalahati ay tatanggap naman ng placebo.
Ayon sa moderna, tatakbo ang human trial hanggang sa October 27.
Sakali umanong magkaruon pa rin ng sintomas ng COVID-19 ang mga isinalang sa trial, ituturing pa rin nila itong tagumpay kung kaya itong pigilan ang paglala ng sakit.