Isang ballot box na may laman pang mga balota ang natagpuan ng isang residente sa isang latian malapit sa munisipyo ng Datu Salibo sa Maguindanao.
Ayon kay Moadz Mindanao, isang mangingisda, nakita niya ang ballot box na palutang lutang sa isang latian sa gilid ng Barangay ambulawan.
Nung una aniya ay hindi niya mawari kung ano ang bagay na iyon hanggang sa mabasa niya na nakasulat ang Commission on Elections, Republic of the Philippines at nakumpirmang ballot box na ginamit ngayong taon lamang.
Ayon sa election officer ng Datu Salibo, wala naman umanong epekto sa naging resulta ng halalan ang pagkakatagpo ng ballot box.
Mayroong 9,504 registered voters sa bayan ng Datu Salibo.
Sa bilang na ito, halos 5,000 voters ang bumoto noong Mayo 13.
Naiproklamang bagong halal na alkalde si Solaiman Sandigan na nakakuha ng 2,729 na boto, habang 1,427 na boto naman ang nakuha ni Outgoing Mayor Norodin Salasal.