Isang bangka ang nasunog sa isang fish port complex, pier 3 sa Navotas City.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Public Information Office, naitala ang unang alarma ng sunog bago naidineklarang under control alas-dos-disi-sais ng hapon kahapon.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi at kung magkano ang danyos na naabo sa sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero