Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na sakay ng isang bangkang tumaob sa karagatan ng Cuyo, Palawan.
Ayon kay PCG Spokesperson Captain Armand Balilo, patungo sanang Agutaya Palawan mula sa Cuyo ang naturang bangka nang makaranas ng malakas na hangin at malalaking alon dahilan para tumaob ito.
Agad namang sinuri ang kalagayan ng mga nasagip na pasahero.