Sa kulungan ang bagsak ng isang barangay chairman makaraang mahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Barotac Nuevo, Iloilo.
Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Iloilo o PNP-CIDG, bitbit ang isang search warrant mula sa korte ay pinasok nila ang tahanan ng hindi pinangalanang tserman sa Barangay Cruz.
Nasabat mula sa suspek ang isang .45 caliber pistol at mga bala.
Matapos magreklamo ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ay naka-hospital arrest ngayon ang nasabing barangay chairman at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.