Sinampahan ng kasong adminsitratibo ang barangay chairman na nakakasakop sa Gubat Sa Ciudad Resort sa Caloocan City.
Ito ay matapos na pahintulutan ang pagsu-swimming sa resort sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Inihain ng city health office at business permit liscensing office ng Caloocan City ang reklamo laban sa kapitan ng brgy 171 na si Romeo Rivera.
Ayon kay Caloocan City Administrator Oliver Hernandez, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross neglect of duty ang isinampang kaso laban kay Rivera.
Bahala na aniya ang sangguniang panglungsod na magdesisyon sa reklamo.
Kabilang umano sa posibleng kaharapin ng kapitan ay ang suspensyon o tuluyang pagkakasibak sa pwesto bilang barangay captain.
Hiniling na rin ng complainants ang preventive suspension laban kay Rivera habang gumugulong ang imbestigasyon.