Bagsak sa kulungan ang isang barangay kagawad matapos madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Poblacion sa Buluan, Maguindanao.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., ang suspek na si Jahir Guipal ng bayan ng Mangudadatu ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Wesmincom, Philippine Drug Enforcement Agency ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Buluan Municipal Police Station.
Sinasabing si Guipal ay isang high-value target ng PDEA kung saan nasabat mula rito ang 20 gramo ng hinihinalang shabu at P14,000 na marked money.
Nasa custody na ngayon ng PDEA regional office ng BARMM ang suspek at nakatakda umanong sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.