Isasailalim sa lockdown ang barangay Guadalupe sa Cebu City tuwing araw ng linggo simula ngayong araw, ika-24 ng Enero.
Batay sa hiwalay na resolusyon ng barangay Guadalupe, ipinatutupad ang isang araw na lockdown dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Dahil dito, hindi papayagang lumabas ng kanilang bahay ang mga residente ng barangay, maliban na lamang kung may emergency o mahalagang gagawin.
Hindi naman sakop nito ang mga health workers at Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Ipinag-utos din ang pagsasara ng lahat ng mga negosyo at establisyimento tuwing linggo maliban sa mga botika.
Habang mananatili namang available ang mga pampublikong transportasyon.