Tumanggap ng mga solar lamp ang isang komunidad sa Paquibato District sa Davao City mula sa mga pulis noong Biyernes, Agosto 13.
Dahil problema ng mga residente ang kawalan ng kuryente sa Barangay Colosas kaya’t naisipan ng revitalized-pulis sa Barangay Team Colosas na maghandog ng may apat na solar lamps.
Laking pasasalamat naman ng mga tribung ata manobo na residente sa nabanggit na lugar dahil sa tulong na ibingay sa kanila ng mga pulis bilang bahagi ng kanilang quick impact projects na layong ibigay ang pangangailangan ng mga residente sa isang komunidad.
Pinapurihan naman ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang R-PSB Team Colosas sa ginawang pagtulong nito sa mga residente ng Paquibato District.
Aniya, “napakahalaga ng ilaw sa ating mga kababayan. Isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng mga komunidad. Nakatutuwa na nakagawa ng paraan ang ating kapulisan para maibigay ang pangangailangang ito ng mga residente.” — ulat mula kay Jaymark Dagala.