Isinailalim sa total shutdown sa loob ng 24-oras ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang barangay sa lungsod dahil sa paglabag ng mga residente sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ipinag-utos ni Moreno ang paglabas ng Executive Order No. 19 makaraang mapag-alaman ang pagsasagawa ng ilang residente ng boxing at bingo sa Barangay 20.
BREAKING: Manila Mayor Isko Moreno, ipinag-utos ang “total shutdown” sa Barangay 20 sa lungsod dahil sa umano’y paglabag ng mga resident rito sa umiiral na ECQ | via @ManilaPIO https://t.co/GGZrFW6IJh
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 13, 2020
Sa ilalim ng kautusan, mas hihigpitan ang paglabas ng mga residente ng kani-kanilang bahay sa barangay at ang magbabantay rito ay ang local government unit sa halip na opisyal ng barangay.
Epektibo ang total shutdown simula mamayang alas-8 ng gabi hanggang bukas ng alas-8 rin ng gabi.