Pansamantala munang isinara ng mga awtoridad ang barangay Baclaran sa lungsod ng Parañaque matapos na nitong maitala ang unang kaso ng South African variant ng COVID-19.
Ayon sa kapitan ng naturang barangay na si Jun Zaide, kasalukuyan nang naka-isolate ang naturang indibidwal na nagpositibo sa bagong variant ng virus.
Dagdag pa ni Zaide, na mino-monitor na ng kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang kalagayan ng pasyente at agad din isinagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Pero paglilinaw ng opisyal, hindi sila nagpatupad ng lockdown at sa halip kanila lang hinigpitan ang kanilang restriksyon para mapigil ang banta ng bagong variant ng COVID-19.