Inulan ng yelo ang isang barangay sa bayan ng Pikit sa North Cotabato.
Ayon sa mga residente ng Barangay Kalakacan nagulat sila sa biglang pag ulan ng yelo na kasinglaki ng holen kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
Sinabi ng mga residente na ito ang unang pagkakataon na kanilang naranasan ang hailstorm kayat ilan sa kanila ang natakot samantalang ang iba naman ay namulat pa ng yelo.
Nilinaw naman ng PAGASA na kadalasan ay magkakaruon ng hailstorm kung mayruong thunderstorm.