Bantay sarado na ang barangay 20 sa Parola Compound Tondo Manila hanggang mamayang 8:00 ng gabi.
Tinatayang 150 pulis Maynila ang idineploy sa lugar upang bantayan ang maraming lagusan sa barangay upang matiyak na walang makakalabas ng residente.
Sa harap ito ng 24 oras na total lockdown na ipinatupad ni Manila City Mayor Isko Moreno sa barangay 20 dahil sa paglabag ng mga residente sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine.
Matatandaan na nag viral sa social media ang video ng mga residente sa barangay 20 habang nagpapaboksing at nagpapa-bingo.
Ayon kay Lt Col Carlo Magno Manuel, hepe ng Public Information Office ng Manila Police District, marami rin silang inaresto sa barangay 20 at nakatakda nilang sampahan ng kaso ang mga ito.
Actually, napakaraming gate dyan sa Parola Compound eversince, kaya lang ang ni-limit na lang ng station 2 ang mga entrance at exits dyan, bawat gate dyan ay nilagyan natin ng kapulisan,” ani Magno.