Isang barko ang sumadsad sa mababang bahagi ng karagatan sa Surigao City, Surigao Del Norte.
Ayon sa Philippine Coast Guard, 75% ng barkong LCT golden star 9 ang sumadsad sa malapit sa danawan island at nagdulot ng butas sa port quarter area ng engine room dahilan para pasukin ito ng tubig.
Nagresulta rin ito sa pagkapinsala ng mga corals sa nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasyon, umalis ang barko sakay ang 12 crew sa dinagat island patungong Cabadbaran, Agusan Del Norte noong Setyembre 10.
Wala naman itong kargamento pero habang nasa baybayin ng Danawan ay hindi inasahang makasalubong nito ang naglalakihang alon.
Ang LCT golden star 9 ay isang cargo vessel at pag-aari at ino-operate ng manfel cargo shipping na nakabase sa Taguig City.—sa panulat ni Drew Nacino