Nananatili sa Capul Island sa Northern Samar ang isang barko kung saan tinatayang 25 crew ang sakay nito matapos maabutan ng masamang panahon.
Batay sa ulat ng MDRRMO Capul at Coast Guard Northern Samar, nagkaroon ng steering casualty o nasiraan ng timon ang barko habang naglalayag at dahil sa malaking alon hindi muna itinuloy ng kapitan ng barko ang paglalayag. Mula ang barko sa Northern Samar at papuntang Lipata point sa Quezon Province.
Tumulong sa kanila ang mga residente ng barangay Aguin habang humingi na rin sila ng saklolo sa Philippine Navy at sa Philippine Coast Guard.
Sinabi ng MDRRMO, apektado ng shear line ang Capul, Northern Samar na nagdadala ng mga pag-ulan at maalon na karagatan.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon