Itinaboy ng isang barko ng Philippine Coastguard ang isang Chinese navy warship sa Marie Louise Bank na nasasakop ng El Nido, Palawan.
Ayon sa Coastguard, namataan ng BRP Cabra noong Hulyo 13 ang isang navy warship na mayroong bandila ng China at markado ng Chinese characters
Dahil dito, kaagad na isyu ng warning sa nasabing Chinese warship ang commanding officer ng BRP Cabra na si Commander Erwin Tolentino habang mahigpit na mino-monitor ang galaw ng warship gamit ang radar system.
Tiniyak naman ng coastguard na may diplomansya at naaayon sa batas ang inisyung warning ni tolentino sa nasabing Chinese warship matapos lumapit pa rito at igiit na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang kinatatayuan nito.
Hindi pa naman kaagad kumilos at lumayo sa lugar ang naturang Chinese navy warship hanggang gumamit ang BRP Cabra ng long range acoustic device nito para ulitin ang warning dito.