Nakubkob ng mga hinihinalang rebelde ang isang military base sa northeast Nigeria.
Ayon sa ulat, napilitang umalis sa lugar ang mga residente at mga sundalo matapos lusubin ng isang armadong grupo ang kanilang kampo sa Borno state.
Hindi umano nakaporma ang militar sa mga rebelde na may dalang machinegun nang pasukin nila ang bayan ng Marte.
Agad namang inako ng Islamic State (ISIS) ang naturang pag-atake.