Kinumpirma ng Manila Health Office ang pagkamatay ng isang bata dahil sa diptheria sa Maynila.
Ayon kay Dr. Arnold Pangan ng Manila Health Office, 10 taong gulang ang batang namatay noong Biyernes, September 20 at estudyante ng Zamora Elementary School sa Pandacan.
Sinabi naman ni Josefina De Guzman , nurse ng naturang paaralan, napainom na ng prophylaxis ang pamilya, kaklase at iba pang nakasalamuha ng nasawing bata at pinasuot ng face mask.
Nilinis na ang paaralan habang sinelyuhan naman ng mabuti ang kabaong para maiwasan na kumalat ang sakit.
Una nang inamin ng mga magulang ng nasawing biktima na walang ni isang bakuna ang kanilang anak.
Ang diptheria ay isang sakit na dulot ng impeksiyon ng bacteria sa ilong at lalamunan dahil dito makararanas ng sore throat, lagnat at panghihina ang biktima.